CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Monday, April 21, 2008

ooooh la laaaaaaa . .

** tama na ang oras, kaya naman ako`y hindi na maglalagay ng oras at petsa. yahoooo.

araguy. ang tagal ko na pala hindi nakadaan dito. ang galing ko talaga. PALAKPAKAN TAYO!!!!! yeheeeeey. hahaha. XD

ang saya nung Gawad Parangal kahit pano. nakita ko yung luma, este, dati kong kaklase. aba akalain mo pareho kaming salutatorian. HANEEEEEEPP. ako naman, parang tanga. muntik na malate sa seremonyas. ang galing ko talaga. hahaha.

anyway, hindi naman masama ang programa. may libreng concert pa. makakakita ka ng mga mananayaw na ultimo balahibo sa sobrang gaan. kung buhatin ng mga hindi ganung kamacho na kalalakihan eh parang kakapanganak lang na sanggol. meron pang mang-aawit na akala mo gigilitan ng leeg sa sobrang taas ng boses. WOOOHOOO. ang galing nila. PALAKPAKAN TAYO ULIT. *clap clap clap*

napakasaya. kumita ako ng limang daan ng dahil lang sa pagiging salutatorian. whooooo. napatunayan na ang utak ay maaari ding pagkakitaan. wakokokoko.

-----

bukas, hotel trip ang drama namin. may nahablot kasing free chuchu nanay ko, libre ang overnight stay sa hotel. oha oha. LIBREEEEEEE!!!!! nyahahaha. kaso sa ngayon, parang ayoko na sumama. gusto ko kasing pumunta ng SM Southmall. may bibilhin akong kwintas dun. waaa. sana lang nandun pa yun eh. matagal na nung huli ko yun nakita. kasagsagan pa ng endless love 2. WAHAHAHAHAHA. kamusta naman yun di ba. ah basta. kailangan kong bilhin yun. kasi.. kasi... SIKRET. wahahahaha.

-----

nagpapakaewan ako ngayon. gumagawa ako ng story. pero as usual, hindi ko to tatapusin. ganun talaga ako eh. mabilis magsawa, mabilis makalimot ng mga bagay. TAMAD ako eh, paki mo? hahaha. at least may nagmamahal sakin kahit pa na tamad ako. WAHAHAHAHAHHA. ay teka. speaking of, hindi sya nagpaparamdam sakin. o kaya nagtetext man lang. o kaya nagpaparamdam as in AWOOOOOO. jusko. ano na kaya nangyari dun? aba. YARI SAKIN YUN PAG NAGKITA KAMI. hahahaha. matitikman nya galit ko. LOL.

oh sya tama na. ang haba na. tinatamad na ko. tsk. baboooo.


[ end ]


0 chismosang nagkument: